Mar Roxas on Sugar Industry
“’Yung dating image ng Negros na pinagsasamantalahan ang mga manggagawa ay wala na ‘yun, burado na ‘yun. Dito sa planta na ito, they are at 90% positive!”
‘Yan ang naging pahayag ng Pambato ng Daang Matuwid na si Mar Roxas nang kanyang bisitahin ang First Farmers Holding Corporation (FFHC) Sugar Mill sa Talisay City, Negros Occidental nitong Martes (Peb. 16) bilang bahagi ng kanyang pag-uwi sa kanyang hometown sa Visayas.
Sinamahan siya ng dating Gobernador ng Negros Occidental na si Lito Coscolluela, na kaisa ni Roxas sa pagpapalakas ng industriya ng asukal sa lalawigan. Kasama nina FFHC President Nene Trebol at Vice President Junny Lizares, sinalubong ni Roxas ang mga manggagawang papasok na ng trabaho noong umagang iyon.
Dito ibinida ni Roxas ang mga naging magagandang pagbabago sa sektor ng paggawa, kung saan full-time ang trabaho, mataas pa sa minimum wage ang kinikita, at kumpleto sa benepisyo ang mga manggagawa ng planta.
“Bagong mukha ito ng pagtrabaho dito sa Negros, na ‘yung First Farmers ay pag-aari ng mga planters mismo, hindi ‘yung mga kapitalista. ‘Yung mga planters mismo, nagsama-sama sila at nagtayo ng sarili nilang mill,” ani Roxas.
“Ito ‘yung ating isinusulong. Dati ang reputasyon ng Negros ay ‘yung pinagsasamantalahan ‘yung ating mga manggagawa dito sa First Farmers at sa iba pang mga pagawaan tulad nito,” dagdag pa ni Roxas, na lubos na ikinasaya ang tagumpay na nakamit ng planta at ng mga manggagawa nito.
Ipinaramdam naman ng mga kabilang sa industriya ng asukal ang kanilang pasasalamat kay Roxas matapos niyang asikasuhin ang tuluyang pagtapyas ng 12% Value Added Tax (VAT) sa ‘raw cane sugar’ alinsunod sa Sugar Industry Development Act.
Kung hindi umano kumilos si Roxas upang kumbinsihin si Pangulong Benigno S. Aquino III tungkol sa nasabing isyu, magiging mabigat sa produksyon ng asukal ang P200.00 na buwis para sa kada 50 kilo nito.
“Pinoproteksyonan natin dito ay ang mga trabaho ng ating mga manggagawa. ‘Yan ang isinusulong ng Daang Matuwid,” pahayag ni Roxas.
Kung papalarin maging pangulo, bahagi ng plataporma ni Roxas na palawakin ang industriya ng manufacturing at palakasin ang sektor ng agrikultura upang lumikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
“’Yan ang tutok ng Daang Matuwid, na lumikha ng mas marami pang trabaho para sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga planta, pagawaan at pabrika para magbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan,” ani Roxas.
“Trabaho para sa bawat pamilya para may pagkain sa mesa, may panggastos sa pang-araw araw na pangangailangan, may pambili ng gamot, at merong pagpundar sa kanilang magandang buhay,”
Source: http://blog.marroxas.com/2016/02/16/roxas-pauunlarin-pa-at-poprotektahan-ang-trabaho-ng-magsasaka/
Monday, April 18, 2016
Agriculture